AKO!!.
sa term na to, 6 days a week ang pasok ko. rest day ng sabado, pero minsan pumapasok paren ako. hindi nga lang sa mapua. haha.
anywaaaay. ewan ko ba kung anong masamang hangin ang umihep saken sa linggong to at mula monday hanggang friday ay. .
LATE ako.
MONDAY: time ko dapat ay 7:30. . dumating ako sa school ng 8.15, kamusta naman. nahihiya na ko pumasok kase baka talakan ako ng prof ko. halos isang oras akong late no. kaso naisep ko.
mas ok nang late kesa absent.nageffort kahet papano. so iyon, pumasok nako sa mala-aquarium na lecture room namen sa che-chm pilot plant. at dahil naatract ko ang attention nilang lahat na parang magnet. umupo nalang ako sa may pinakamalapit na upuan sa pinto. mukha akong outcast. wala kasi akong katabi. ang lunkot ko naman don. kaya nagvandal nalang ako ng: "shet na yan. late ako."
TUESDAY: 7:30 den ang time ko. . chm12L. nakakatamad talagang pasukan to dahil para kang nasa misa. pinagkaiba lang, sa misa nawawala ang kasalanan mo. sa chm12L. nadadagdagan. dahil habang tumatagal, naiisipan mo nang imurder ang prof mo sa sobrang pagkaantok mo at pagkaines sa paraan nya ng pagtuturo. at ayan. late na naman ako syempre. 9am na ata nung dumating ako. buti hindi masyadong halata dahil sa backdoor ako dumaan. natawa ko kase pagpasok ko sa room, nakangite mga classmates ko, at sabi ni grace: "ANG AGA MO DADA!". tumawa nalang den ako. . ayan na, misa na. amen.
WEDNESDAY: eto malupet, 10:30 pasok ko. pero nalate paren ako. dahilan: WALANG VAN SA CAVITE!! scarcity na naman ng van sa dulo ng mundo na tinitiran ko. pakenshet naman yan. isang kilometro na ang pila ng mga pasahero na stressed na dahil puro late na sa trabaho. di naman masyadong madugo, 11am ako dumating sa school. kapal ko nga e, nag-cr pa ko.! jahe pumasok. second row kase ako. nakakahiya naman sa prof kung sa front door ako dadaan diba? so sa backdoor ako pumasok. tae, squeaky sya! so ganon den, pansin den nilang lahat ang pagkalate ko. kakahiya. haha.
THURSDAY: pe day ko to. 9am ang pasok ko. nakadating ako sa school ng mga 9.30 na. hinintay pa ko ni maan sa underpass. ang malupet nyan, last week, late naren ako sa pe. lage nalang kame dramatic entrance ni maan pag pe. lage kameng late. haha. di pa man den nagsisimula yong pe. haggard na kame sa kakamadali. susko naman!!
FRIDAY: 7:30 ulet pasok ko. at aba. .8am na ko nakadating sa school. nakakahiya naman sa prof ko. lage nalang akong late. don na naman ako umupo sa outcast chair sa tabi ng pinto. pero di na ko masyadong outcast dahil may katabi ako. isang matangkad na lalaki na nagvandal ng pagkalaki-laki sa upuan nya. nagdrawing sya ng babaeng anime. haha. sakop buong armchair! at eto yan, late na nga ako, bagsak pa ko sa quiz. oha. ganda ng umaga!
----------------------------------------------------------
saturday ngayon. hindi ako umatend ng bs sa org dahil tinatamad ako. pero nagdahilan nalang ako na may mga bisita dito sa bahay kaya hindi ako makakaales. hmm. sunday bukas. nstp day. malalate kaya ako? 12.00 pa naman yung pasok ko. sa totoo lang natatawa nako sa sarili ko eh. perfect attendace pa daw nong 4th year. no late no absent!. tapos ngayon, bingo na ko sa late. haha. ano ba namang nangyayare saken.?
kaya ikaw na nagbabasa, kung koala bear ka (22 hours tulog) at hirap gumising sa umaga. wag kang kukuha ng morning classes. i assure you, late ka den lage. osha. baka nga malate ako sa nstp tom. kakahiya naman yon diba? baka pakantahin pa ko ng lokaret kong prof. nyeeeh.
0 Comments:
Post a Comment