"hep. wag mo ko bibitawan"
-status ko yan sa ym ngayon. kamusta naman, naguumapaw na kadramahan na naman ang nilalaman ng 4-word status na yan. baket? simple lang, inaatake na naman ako ng paranoia ko.
kala ko non nakarecover na ko sa "single-ism phase" ko. aba naman, isang taon den kaya akong nagpakaman-hater no. walang kahit anong bahid ng lablayp ang senior year ko sa highschool no. umikot lang lahat sa tropa. ayos.
kung ikaw na nagbabasa dyan ay malapet saken, malamang kilala mo ang "singles". nabuo yan nong taong 2006. mga bandang june. samahan ng 4 na babaeng walang lovelife. hence the name "singles". nagsimula kame sa 3. pero nawala yong isa, buti nalang may pumalit na isa pa ulet. tapos biglang nadagdagan ng isa pa nong JS namen. so 3 minus 1 plus 1 plus 1 ulet. whew. math na naman. pero ayon, 4 kame. nagrerepresent sa apat na panig ng kababaihan, kabaliwan, katalinuhan at syempre KAGANDAHAN. oha. wag kang kokontra.
sa totoo lang. hindi kami tropa talaga bago pa mag4th year. oo magkakakilala kame. pero hindi close. nabuo lang kame dahil we all have something in common. at yon ay ang pagiging single. siguro nga nuknukan ng pait ang mga naging labstory namen at naging napaka-feminist namen. paraan naren siguro yon para mabawi yong nawalang dignidad, tiwala sa sarili at syempre sa iba.
umusbong ang isang pustahan sa pagitan nameng 4: ISANG TAONG WALANG LOVELIFE.
suuuuuus. chicken yang pustahan na yan samen. dahil syempre, lahat kame wala pa sa tamang ulirat para magka-chorva ulet. pahinga lang no. pagkatapos nilang luray-lurayin ang mga damdamin namen?!?! haha.
hmm. here's the catch: ang unang magkakaboypren samen, manlilibre ng dinner. at hindi lang basta dinner sa mcdo o jollibee o kfc no. sosyaling dinner naman. syempre sosyal kame. haha.
im proud to say. lahat kame natapos ang isang taon na walang lovelife. successful kame sa misyong itinalaga namen sa mga sarili namen. siguro kasi wala lang gustong gumastos ng malaki. hello, dinner yon, times 4 pa ang gastos. haha
so ayon nga. isang taon na kami-kami lang ang magkakasama. araw-araw yon. kami lang den ang magkakausap. malamang sa hindi magkakahawahan na kami ng mga pananaw sa buhay.
at iyan nga ang nagyari. ano pa ba inaasahan mo. apat na babaeng naguumapaw sa katalinuhan ang pinagsama-sama ng tadhana. oh diba, bonggang bongga!!
halos lahat ng mga bagay, napaguusapan namen. at sabay-sabay kameng bumuo ng tinatawag namen na "principles in life". na mostly tungkol sa mapait na mundo ng pag-ibig. (yeek, sagwa pakinggan)
hindi na siguro namen napapansin pero dahan-dahan na kaming nagiging man-haters. tingin namen sa karamihan ng mga lalaki, sinungaling, manloloko, players. hindi naman namin nilalahat. karamihan lang. haha.
ayan, nagexpire na nga ang duration ng pustahan namen. halos isang taon na ulet ang lumipas mula nong nagtapos na ang kontrata namen. .update lang kita sa status namen.
single # 4: eto, bonggang bongga ang lablyp neto. pag kasama mo sila, parang may kakaibang aura. haha. pero kamusta naman ang linya nila na : "hindi pa kme no!"
single # 3: sya, may boypren na. magiisang taon naren sila. siya nga unang nagkaboypren samen. sya tuloy yung manlilibre ng dinner. sad to say. HINDI PA NYA KAME NILILIBRE.
single # 2: masaya? kaso unpredictable. mahirap ang assurance. pero pag gusto kasi nya, kahit pa si miriam defensor ang kalabanin nya, gagawin nya.
single # 1: last one standing. single paden sya hanggang ngayon. sya na ata ang pinaka-naapektuhan ng mga principles namen.
*hulaan mo kung alen sa apat na yan ang kwento ng buhay ko. haha, kung nagets mo ang clues. ang talino mo!*
balik tayo kay single # 1. man-hater paren yan. ayaw lang nya aminin. hehe. mas gusto nyang mamuhay ng simple at tahimik kesa magrisk ulet. oha. single na single. sa kanya ata pinakananalaytay ang essence ng lahat ng mga paniniwala namen non. hanggang ngayon dala nya paren. tss. baka tumandang dalaga. wag naman! haha
kala ko hindi na ako tulad ni single # 1. kala ko may pinaniniwalaan na ulet ako. pero bakit ganon? parang nagpaparamdam ulet ang "single" instincts ko? hmm. baka naman pautot lang to ng panahon. tingin mo? :D