last two minutes

balikan naten ang blog nato. dahil dito malaki ang chance na konti lang ang makakabasa. syempre dahil ang purpose naman ng blog ko ngayon ay hindi para mabasa ng sambayanang pilipino kung ano ang mga nasa isep ko. ang purpose ko lang talaga is masulat ko sya. minsan maraming bagay ang hindi maexplain sa words. at kung magaling ka at maiexplain mo man. sigurado ka ba na maiintindihan?.

kung sabagay, matagal narin nung huli akong nakipagusap sa monitor ng computer ko habang nagtatype ng blog. parang ilang buwan narin pala. buti pa ang blog o friendster account o multiply site. kahit ilang buwan mo mang iwanan. sure ka na hanggat alam mo ang password. pwede mong balikan. sa buhay? aba, bitawan mo lang sandali. lahat ng hinahawakan mo, paglingon mo, nadampot na pala ng iba. sabagay, kasalanan mo ren naman yon. binitawan mo eh. hindi naman bato yan. na kung paano mo iniwan ganon mo ren babalikan. swertihan lang yan. ngayon kung hindi mo kaya, magalaga ka ng pusa o aso. or kung hindi ka naman mahilig sa pets tulad ko. bumili ka ng stuff toy.

sayang. alam ko na ngayon kung ano talaga yung gusto ko. minsan lang mangyari yon. yung magkasundo ang puso at isep ko, at isama mo pa lahat ng body organs ko. lahat sila isa lang ang sinasabi. na sa milyong milyong taong nakapaliged saken. sa huli, sayo parin ako babalik.

marami-rami din akong pinalagpas na pagkakataon para malaman mo. akala ko kasi parang UNLITXT yan eh. akala ko na meron akong unlimited chances. na pag sinend ko sa 2870, activated agad.

nalaman ko na sa totoong buhay, hindi applicable ang unlimited na inooffer ng smart, globe at sun. minsan hanggang isa lang. kumbaga sa inuman. huling tagay na, gustong gusto mo yon. kaso nahihiya ka sa mga kainuman mo. pinalampas mo. one last shot. at yun na pala ang huling inuman session mo dahil nalaman mo na may saket ka sa atay. sayang diba. inasahan mong marami ka pang inuman na mapupuntahan. na maraming shot pa ang tatagayin mo. malas mo nalang. huli na pala.

saka mo nalang din maiisep, sayang ang mga pagkakataong pinalagpas mo. yun lang, kadalasan. maiisep mo yan pag huli na ang lahat. marerealize mo den. may pagka-shunga ka talaga. idedeny mo ng konti. pero alam mong kasalanan mo. sa totoo lang, hindi mo naman talaga kasalanan. biktima ka lang ng mapaglarong bata na itago natin sa pangalang "tadhana". hindi lang ikaw ang napaglalaruan. marami kayo. iba-ibang sitwasyon, iba-ibang tao. sinusubukan ka lang yung matatag ka para sa laro. kung pwede kang pangvarsity. tinitignan lang kung kaya mong makagawa ng strategy kahit sa last two minutes.

magpapatalo ka ba? handa ka bang harapin ang ibang tao na mangaasar sayo na weakling ka? o ilalaban mo? kahit na mafoul out ka? hanggang san ang kaya mong ibigay para sa laro ng buhay? eh pano kung ang batang si tadhana, nakahanap ng kakampi? pano kung ang kerubing nakadiaper na si Cupid ang kakampi nya? kakasa ka ba? hahamunin mo ba ang pinagsanib pwersang lakas nila? oo? eh di sige. ikaw na matapang.

hindi naman sa lahat ng oras laban lang ng laban. isipin mo. kung alam mo namang mas malakas ang kalaban mo at dudurugin ka lang nila at papakainen ng alikabok. papagurin mo pa ba sarili mo? tao ka lang dude. hindi ka imortal o pusa na may siyam na buhay. siguro hanggang dun nalang ang exposure mo para sa laro. times up ka na. lamang sila. ang ending, talo ka na nga, napagod ka pa. at malamang sa hindi. sa kagustuhan mo na manalo nasugatan ka. ayan, peklat pa tuloy yan. remembrance na minsan sa buhay mo, meron kang pinaglaban ng todo na hindi mo ren nakuha.

ang peklat, habang buhay na yan. na sa twing makikita mo, maalala mo bawat segundo ng pinakamalaking naging laban sa buhay mo. hanggang alaala na nga lang. lahat ng yon, sa utak at puso mo lang naka-save. walang usb. walang diskette o cd. hindi na kasi uso yon.

bawat araw ay laban. matuto kang magstrategize. pagisipan mo ang bawat galaw mo. at kung matalo ka man, tanggapin mo. wag kang mapride. hindi naman lahat ng gusto mo makukuha mo. minsan kung ano pa ang pinakaimportante sayo, yun den ang babawiin.

simple lang yan. ikaw lang ang nagpapagulo.

Sunday, November 30, 2008

confessions of a "S.I.N.G.L.E."

"hep. wag mo ko bibitawan"


-status ko yan sa ym ngayon. kamusta naman, naguumapaw na kadramahan na naman ang nilalaman ng 4-word status na yan. baket? simple lang, inaatake na naman ako ng paranoia ko.

kala ko non nakarecover na ko sa "single-ism phase" ko. aba naman, isang taon den kaya akong nagpakaman-hater no. walang kahit anong bahid ng lablayp ang senior year ko sa highschool no. umikot lang lahat sa tropa. ayos.

kung ikaw na nagbabasa dyan ay malapet saken, malamang kilala mo ang "singles". nabuo yan nong taong 2006. mga bandang june. samahan ng 4 na babaeng walang lovelife. hence the name "singles". nagsimula kame sa 3. pero nawala yong isa, buti nalang may pumalit na isa pa ulet. tapos biglang nadagdagan ng isa pa nong JS namen. so 3 minus 1 plus 1 plus 1 ulet. whew. math na naman. pero ayon, 4 kame. nagrerepresent sa apat na panig ng kababaihan, kabaliwan, katalinuhan at syempre KAGANDAHAN. oha. wag kang kokontra.

sa totoo lang. hindi kami tropa talaga bago pa mag4th year. oo magkakakilala kame. pero hindi close. nabuo lang kame dahil we all have something in common. at yon ay ang pagiging single. siguro nga nuknukan ng pait ang mga naging labstory namen at naging napaka-feminist namen. paraan naren siguro yon para mabawi yong nawalang dignidad, tiwala sa sarili at syempre sa iba.

umusbong ang isang pustahan sa pagitan nameng 4: ISANG TAONG WALANG LOVELIFE.

suuuuuus. chicken yang pustahan na yan samen. dahil syempre, lahat kame wala pa sa tamang ulirat para magka-chorva ulet. pahinga lang no. pagkatapos nilang luray-lurayin ang mga damdamin namen?!?! haha.

hmm. here's the catch: ang unang magkakaboypren samen, manlilibre ng dinner. at hindi lang basta dinner sa mcdo o jollibee o kfc no. sosyaling dinner naman. syempre sosyal kame. haha.

im proud to say. lahat kame natapos ang isang taon na walang lovelife. successful kame sa misyong itinalaga namen sa mga sarili namen. siguro kasi wala lang gustong gumastos ng malaki. hello, dinner yon, times 4 pa ang gastos. haha

so ayon nga. isang taon na kami-kami lang ang magkakasama. araw-araw yon. kami lang den ang magkakausap. malamang sa hindi magkakahawahan na kami ng mga pananaw sa buhay.

at iyan nga ang nagyari. ano pa ba inaasahan mo. apat na babaeng naguumapaw sa katalinuhan ang pinagsama-sama ng tadhana. oh diba, bonggang bongga!!

halos lahat ng mga bagay, napaguusapan namen. at sabay-sabay kameng bumuo ng tinatawag namen na "principles in life". na mostly tungkol sa mapait na mundo ng pag-ibig. (yeek, sagwa pakinggan)

hindi na siguro namen napapansin pero dahan-dahan na kaming nagiging man-haters. tingin namen sa karamihan ng mga lalaki, sinungaling, manloloko, players. hindi naman namin nilalahat. karamihan lang. haha.

ayan, nagexpire na nga ang duration ng pustahan namen. halos isang taon na ulet ang lumipas mula nong nagtapos na ang kontrata namen. .update lang kita sa status namen.

single # 4: eto, bonggang bongga ang lablyp neto. pag kasama mo sila, parang may kakaibang aura. haha. pero kamusta naman ang linya nila na : "hindi pa kme no!"

single # 3: sya, may boypren na. magiisang taon naren sila. siya nga unang nagkaboypren samen. sya tuloy yung manlilibre ng dinner. sad to say. HINDI PA NYA KAME NILILIBRE.

single # 2: masaya? kaso unpredictable. mahirap ang assurance. pero pag gusto kasi nya, kahit pa si miriam defensor ang kalabanin nya, gagawin nya.

single # 1: last one standing. single paden sya hanggang ngayon. sya na ata ang pinaka-naapektuhan ng mga principles namen.

*hulaan mo kung alen sa apat na yan ang kwento ng buhay ko. haha, kung nagets mo ang clues. ang talino mo!*


balik tayo kay single # 1. man-hater paren yan. ayaw lang nya aminin. hehe. mas gusto nyang mamuhay ng simple at tahimik kesa magrisk ulet. oha. single na single. sa kanya ata pinakananalaytay ang essence ng lahat ng mga paniniwala namen non. hanggang ngayon dala nya paren. tss. baka tumandang dalaga. wag naman! haha

kala ko hindi na ako tulad ni single # 1. kala ko may pinaniniwalaan na ulet ako. pero bakit ganon? parang nagpaparamdam ulet ang "single" instincts ko? hmm. baka naman pautot lang to ng panahon. tingin mo? :D

Saturday, June 14, 2008

"soul searching"

sunday kahapon. may pasok na naman ako. nstp14. katamad talagang pasukan tong subject na to. wala naman kasi ako ginagawa dito. papasok sa room, maglalabas ng psp at maglalaro habang nakikipagkwentuhan kay jehLee. sayang lang sa pamasahe at effort. amp. pero tiis-tiis nalang. huling nstp ko na to. wala na ko nyan next term. wuhooo!!

ayon. pagkatapos ko ng nstp kahapon, naisipan kong dumaan ng moa kahit mag-isa ako. sobrang minsan lang ako magmall mag-isa, lalo na kung hindi naman ako magshashopping. ang lungkot kaya magpaikot-ikot sa pagitan ng libo-libong tao kung magisa ka lang. haha. kaya lang naman ako pupuntang moa kasi bibili ako ng gift para kay mommy dearest na birthday ngayon. at syempre, may ulterior motive ako. naisep ko. aheem, makapag SOUL SEARCHING nga sa moa. hanep, ang bigat non. kala mo naman kung ano iniisep ko. haha.

dalawang araw na kase ako nangangati na mag-moa. hindi ko alam kung baket sa dami ng malls na pwede ko puntahan. sa MOA pa. nung sabado pa ko nag-aaya na magmoa eh. kaso wala si cheseeta dito sa cavite ngayon. naisep ko, baka umuwi na sya ng sunday. eh hindi sya umuwe, eh di ako nalang magisa ngmoa.

aaay. narealize ko na yata kung baket sa moa ko gustong pumunta. . sa moa kasi, iba-ibang klase ng tao makikita mo. ika nga, "from all walks of life". ganon kasi ako pag may malalim na iniisep, gusto kong nakakakita ng iba't ibang uri ng tao. don ko kase narerealize na hindi lang ako yung may iniisep. marami pang mas problemado saken. ayon. oo, tama. kaya moa napili ko. maraming tao. tsaka malaki sya masyado, onti lang yung odds na may makita akong kakilala. ayoko ren kaseng may nakikitang kakilala pag mag-isa ako e. ayokong may kakausaping kahit sino.

mula nong naghiwa-hiwalay kame nila jehLee & janine sa underpass. (pa-southmall kase silang 2), nagsimula nakong pagisipan yong mga dapat kong isipen. ang sarap pala maglakad mag-isa. napakadeserted pa ng manila non. sunday nga kase. walang pasok. ayan, bigat na sa feeling. nilalamon na ko ng mga naiisep ko. haha. hanggang sa lrt, para kong tanga. ang layo-layo ng tingen ko. halatang-halata na may iniisep nga. minsan talaga, masarap magisa.

pagdating ko sa moa. automatic na, derecho sa starbucks. pero sa aking amazement. soobrang puno ang starbucks sa loob. ayos lang yon kase wala naman ako balak magstay sa loob. di ko feel na mapirme sa isang lugar. eh ang haba kase ng pila, ang sikip na tuloy sa loob. pero syempre, tyaga ako pumila para sa isang white mocha frappucinno no. sandigan yan sa panahon ng kalungkutan. bwahaha.

ayan, ang dame ngang tao, pero ayos lang. iyon naman talaga ang pinunta ko sa moa eh. pagkaubos ko ng coffee ko, nagisep nako ng gift para kay madear. may nabili naman agad ako. pinabalot ko sya, then back to my soul searching chuvaness.

curious ka na ba kung ano iniisep ko? simple.

doubtful ako.

marami akong pinaniniwalaan na mga bagay-bagay at syempre mga tao naren. pero hindi pala maiiwasan yung minsan, may mga kung anong bagay na mangyayari para mabawasan yung paniniwala mo dun sa mga yon. .

ganito lang yan eh. malamang nung bata ka, naniniwala ka kay santa claus. pero habang tumatagal, narealize mo na wala pala talagang santa claus. at yung mga regalo na nakukuha mo sa ilalim ng christmas tree nyo twing pasko ay galing lang sa parents mo at ineetching ka lang nila. mapapagtanto mo na ang laki mo pala talagang uto-uto.

ganun den ako ngayon. kailangan ko maassure na tama yung pinaniniwalaan ko, at hindi lang isang "santa claus" sa buhay ng isang bata.


Monday, June 9, 2008

"i know i screwed it up, but i will love you forever" -big

ang routine ko every tuesday:

8:00am: dadating sa school, late na naman para sa chm12 lab. uupo. at aantuken.
12:00pm : approximately, tapos na ang misa, este chm12L pala. pero minsan, pag malas talaga mageextend pa yan ng mga 15-20 minutes. para na kaming na-bake sa loob ng chmlab. tss.
12:00-12:30 : maglulunch kasama ni maanne. 2 lang kami palagi kasi yung iba naming frienshipsters ay may pe. ewan ko ba kung baket samen lang ni maanne yung naiibang pe. kawawa naman kame.
12:30-01:20 : manonood sa pe nila jehlee sa gym. pwede ren na soundtrip lang o tingen sa mga tao sa gym. minsan nakikita ko dito si 'almost-boyfriend' eh. haha. syempre di ako nagpapahalata pero sinusundan ko paden sya ng tingen. sabay bugtong hininga ng. . "sayang". wtf. :D
01:20: magtetext na ko kay carlo para sabihin kung nasan ako, puntahan nalang nya ko dahil sabay kameng uuwe.



perooo. nung tuesday, june 03, 2008. naiba ng onte ang boring na tuesday routine ko. nanood kame ng sine, kasama ko si maanne, jehLee at sarah. ang tagal na ng planong sine na yan, panahon pa ni iron man nung unang magkaayaan eh, ewan nga lang ba kung baket hindi na natuloy-tuloy. naniniwala na tuloy ako sa kasabihang na mas natutuloy ang mga biglaang ayaan. haha.

ayon nga, wala ng iron man, tsaka napanood naren naman namen ni manne yon. kaya sex and the city nalang yung pinanood namen. at aheem. alam ko na iniisep mo. wholesome yon no. slight pala. r-13 naman yon. eh lagpas-lagpasan na kame ng 13, di lang masyadong halata. lamu na, babyface. haha.

hindi ko kasi napapanood yung sex and the city nong series pa sya sa hbo, alangan den kase ko panoorin, baka kung ano nalang tumambad sa innocent eyes ko. haha. pero ang cool ng movie na to. favorite ko na nga kaagad eh. siguro kasi may pagka-feminista ako. eh puro babae yung bida. tapos nakakatuwa pa, 4 silang babae diba, ang tatag ng samahan nila. ewan ko ha, pero naaalala ko sila dana jheng, princess catherine at celine marielle nong mga panahon na yon. (mga tol, pag kaya 50 years old na tayo, hot paren ako? haha. at tayo-tayo paren kaya tropapips sa mga panahon na yon?)

pero kidding aside, naiimagine ko na non na balang araw, magiging ganon kame, kasing dikit ng super glue. haha. yung tipong big time na, palakad-lakad nalang sa streets ng new york at pashopping-shopping. haha. baklang bakla naman yong pangarap ko para samen no?

balik tayo sa movie.

ayon, kwento sya ng bawat babae.

playgirl
goodgirl
niloko
iniwan
successful
BITTER.

haha. gandang ganda ko sa movie kasi pinakita nya yong natural na reaction ng babaeng nasasaktan. lalo na pagdating sa love. yak. baduy no? pagbigyan na. sabagay, kung ikaw na babae naman den ang hindi siputin ng iyong fiance sa araw ng kasal nyo, ewan ko nalang kung hindi ka maglulupasay sa sahig at mageemote buong buhay mo. kwento yan ni carrie bradshaw. mayaman, successful na writer, maganda, sikat. at may mayamang boyfriend for 10 years. siya ang idol ko sa movie na to. pinakita nya ang tapang ng babae. na pag nasaktan, aba, game over na. ayawan na. kaso pinakita ren nya ang weakness ng mga babae all over the world. matagal maka-move on. aba, 6 months na silang hiwalay, nagkabalikan pa. cliched no? pero at least happy ending naman sya. all is well that ends well. tama ba?

pero eto, linya ng isa sa mga bida na si Samantha:
"relationships are not all about being happy, right?"

napahinto ako nong narineg ko yan eh. oo nga naman. tama sya, ano naman ba inaakala ko? fairytale ang buhay ko. sus, ni hindi nga ako nagbabasa ng mga ganyang kwento. applicable yan sa lahat ng klase ng relationship, kesho friendship pa yan o chuva ever. cycle lang ang buhay, minsan corny kasi puro kamalasan, minsan ok den kasi wala masyadong problema. kung sabagay, nasayo naman yan kung pano mo didiskartehan eh. baka naman ikaw lang den nagpapahirap sa sarili mo diba?

hmm. carrie.samantha.miranda.charlotte.

ang kikay ng mga pangalan nila no? mga bida yan sa movie. ayan, namimiss ko na naman tuloy sila singles.(not so singles, these days.) whew, ang haba. haha. ang dami pa pala nteng mga plano.

yung dinner na libre ni dana, anong petsa na. . halos one year na kayo hindi pa kame nalilibre. haha

tapos yung debutante, celine. ahoo. dalaga na sya. aamin na kaya?! :D

engr. alejandro, yung paris naten sa 2020 ha. tuloy yon, magimpake ka na ngayon palang.

di ko malaman kung ano ba talaga yung topic ng blog na toh, yung movie o yung 3 lukaret kong mga friends. halo-halo na kasi e. gulo ko no? ganyan lang talaga. haha.

hahahay. labyu mga tol!.

Friday, June 6, 2008

bagong costumes ni SUPERMAN

narinig nyo ba? magkakaron na nag kasunod ang movie ni Brandon Routh na SUPERMAN RETURNS. sya paren ang bida. at SUPERMAN paden sya. pero magkakaron daw sya ng bagong costume. 3 malulupet na designs daw ang pinagpipilian ng isang metikulosong panel of stylists. syempre, kaylangan bagay kay SUPERMAN yong bagong costume nya. ano kaya babagay sakanya:




WINNIE THE POOH COSTUME
may sidekick pang kasama, si Piglet. tapos may ammunition den na libre, tamo naman. isang tabong honey. para pag napagod si Superman sa kalalaban sa mga masasamang elemento sa galaxy naten, may merienda sila ni piglet.


HELLO KITTY COSTUME
eto may pink headband na kasama. wag palilinlang, yang headband na yan ay maraming tinatagong powers tulad ng. . secret.!! bawal ireveal. haha. cool den ng belt nya, kitty paren ang design nyan.

G STRING COSTUME
napansin naman na siguro ng lahat na may pagkatanga etong si superman no? sa labas daw ba isuot yung underwear nya? pero syempre papanindigan na nya yan. kakahiya kung babaguhen pa nya. kaya may nagsuggest ng costume na to, binago yung undies ni superman. ginawang g-string. haha



Sunday, May 25, 2008

sinong late?

AKO!!.

sa term na to, 6 days a week ang pasok ko. rest day ng sabado, pero minsan pumapasok paren ako. hindi nga lang sa mapua. haha.

anywaaaay. ewan ko ba kung anong masamang hangin ang umihep saken sa linggong to at mula monday hanggang friday ay. .

LATE ako.

MONDAY: time ko dapat ay 7:30. . dumating ako sa school ng 8.15, kamusta naman. nahihiya na ko pumasok kase baka talakan ako ng prof ko. halos isang oras akong late no. kaso naisep ko.
mas ok nang late kesa absent.
nageffort kahet papano. so iyon, pumasok nako sa mala-aquarium na lecture room namen sa che-chm pilot plant. at dahil naatract ko ang attention nilang lahat na parang magnet. umupo nalang ako sa may pinakamalapit na upuan sa pinto. mukha akong outcast. wala kasi akong katabi. ang lunkot ko naman don. kaya nagvandal nalang ako ng: "shet na yan. late ako."

TUESDAY: 7:30 den ang time ko. . chm12L. nakakatamad talagang pasukan to dahil para kang nasa misa. pinagkaiba lang, sa misa nawawala ang kasalanan mo. sa chm12L. nadadagdagan. dahil habang tumatagal, naiisipan mo nang imurder ang prof mo sa sobrang pagkaantok mo at pagkaines sa paraan nya ng pagtuturo. at ayan. late na naman ako syempre. 9am na ata nung dumating ako. buti hindi masyadong halata dahil sa backdoor ako dumaan. natawa ko kase pagpasok ko sa room, nakangite mga classmates ko, at sabi ni grace: "ANG AGA MO DADA!". tumawa nalang den ako. . ayan na, misa na. amen.

WEDNESDAY: eto malupet, 10:30 pasok ko. pero nalate paren ako. dahilan: WALANG VAN SA CAVITE!! scarcity na naman ng van sa dulo ng mundo na tinitiran ko. pakenshet naman yan. isang kilometro na ang pila ng mga pasahero na stressed na dahil puro late na sa trabaho. di naman masyadong madugo, 11am ako dumating sa school. kapal ko nga e, nag-cr pa ko.! jahe pumasok. second row kase ako. nakakahiya naman sa prof kung sa front door ako dadaan diba? so sa backdoor ako pumasok. tae, squeaky sya! so ganon den, pansin den nilang lahat ang pagkalate ko. kakahiya. haha.

THURSDAY: pe day ko to. 9am ang pasok ko. nakadating ako sa school ng mga 9.30 na. hinintay pa ko ni maan sa underpass. ang malupet nyan, last week, late naren ako sa pe. lage nalang kame dramatic entrance ni maan pag pe. lage kameng late. haha. di pa man den nagsisimula yong pe. haggard na kame sa kakamadali. susko naman!!

FRIDAY: 7:30 ulet pasok ko. at aba. .8am na ko nakadating sa school. nakakahiya naman sa prof ko. lage nalang akong late. don na naman ako umupo sa outcast chair sa tabi ng pinto. pero di na ko masyadong outcast dahil may katabi ako. isang matangkad na lalaki na nagvandal ng pagkalaki-laki sa upuan nya. nagdrawing sya ng babaeng anime. haha. sakop buong armchair! at eto yan, late na nga ako, bagsak pa ko sa quiz. oha. ganda ng umaga!

----------------------------------------------------------
saturday ngayon. hindi ako umatend ng bs sa org dahil tinatamad ako. pero nagdahilan nalang ako na may mga bisita dito sa bahay kaya hindi ako makakaales. hmm. sunday bukas. nstp day. malalate kaya ako? 12.00 pa naman yung pasok ko. sa totoo lang natatawa nako sa sarili ko eh. perfect attendace pa daw nong 4th year. no late no absent!. tapos ngayon, bingo na ko sa late. haha. ano ba namang nangyayare saken.?

kaya ikaw na nagbabasa, kung koala bear ka (22 hours tulog) at hirap gumising sa umaga. wag kang kukuha ng morning classes. i assure you, late ka den lage. osha. baka nga malate ako sa nstp tom. kakahiya naman yon diba? baka pakantahin pa ko ng lokaret kong prof. nyeeeh.

Saturday, May 24, 2008

sumpa ng CHM12

nawala na sana sa isip ko to eh. pero dahil wala nakong magawa at 1.30 am na. bumabalik na naman ang alaala neto. . ang sakit sa utak e. nakakaiyak. .

hep. . kala mo lovelife?! hindi no. .

quiz sa chm12 yan. haha.

nagquiz kasi kami sa chm12 kaninang umaga. aminado naman ako sa kamalian ko na hindi ako nagreview kagabi. pano kasi, ganito yon. maraming humadlang sa pagrereview ko.

1. yung friend/kapatid ko na ece na tapos na sa envi, sabi nya tuturuan nya ko. eh nakalimutan ko naman sya iremind na friday yung quiz namen. thursday ng gabi lang ako nagtext sa kanya. ayon, may ginagawa daw para sa rizal. (kung mababasa mo to carLo, kasalanan mo kung baket ako bagsak. haha)

2. naisep ko na matalino ako. oo, inuto-uto ko muna yung sarili ko bago ko magreview magisa, baka sakaling mapaniwala ko sarili ko at magkaron ako ng will na magreview. eh tatanga-tanga pa ko. sa kama ako umupo. wooo. parang inaaya nako ng mga unan na matulog. at unti-unti ng ngautoshut down ang mga eyelids ko. parang sinabitan ng hollowblocks sa bigat. inaantok na naman ako. time check: 8pm.

ang aga-aga pa, pero hinahatak na ko ng kama. nagisep-isep muna ko sa kung anong gagawin ko. at dahil sa kaiisep ko ng kung anu-anong kaechingan, naalala ko tuloy ang mga words of wisdom ni boy_galeng. . (yuhoo, bida ka dito oh!)

"ang bahay ginawa para pahingahan, sa school ka mag-aral"
(hindi ko masyadong maalala yung exact words, pero parang ganyan naren yon. haha)

"pag nagdadalawang isip ka na gawin ang isang bagay, wag mo na ituloy"

at dahil dyan, natulog nalang ako. nagpaalam sa mga fans, este katext na matutulog na. haha. sabi ko gigising ako ng mag bandang 11pm. baka sakaling makisama na yung utak ko at may maintindihan na sya sa mga nasusulat sa modules.

so nagising ako ng mga 11.30pm. . shet, inaantok na talaga ko. bahala na si batman, matutulog nalang ako.

at dahil don, wala akong nasagot sa quiz namen. di ko malaman kung mahirap sya dahil hindi ako ngaral o talagang mahirap sya. pero mukhang lahat naman kame nahirapan sa quiz na yon.

kung sino man ang matalinong tao na gumawa ng quiz na yon. . SUMPAIN ka!!. tandaan mo, magkakaanak ka den!. pahirapan sana sya sa mga magiging quiz nya. ^%&^%(&!!

*hinga malalim* kalma lang. nandyan na eh. sureness bagsak na. awts. bawi nalang sa mga susunod na quiz. (kung makakabawi)

teka,ang sakit ng dibdib ko. . naalala ko na naman yung mga questions sa quiz na yon. err. tae talaga yang chem.

yung classmate ko nga sa math14, may chm12 den kase sya. umuusok yung ilong nung pumasok sa room. kakatapos lang pala magquiz sa chm12. at syempre, as expected, nahirapan den sya. . nagjoke pa nga e. ang course nya daw ay:

bachelor of science in computer engineering MAJOR in general chemistry.

haha. angpogi ng course no? connect na connect eh. .

samen naman:

bachelor of science in industrial engineering MAJOR in physics.

haha. 4 yung physics. siyet. di ko pa makukuha kasi wala pa ko math22. err.

pwede kayang gumawa ng university na walang minor subjects? yung tipong kunware IE ka, ang subjects mo ng 1st year:

ergonomics,
operations research,
prob & stat.
etc. .

haha. cool yan no? 2 years lang tapos ka na!. kahit hindi quarterm!. haha. makapagpatayo nga ng ganyang university. bwahaha.

tsk. ayan, naisep ko na naman yung chm12. tuwang-tuwa pa naman ako sa sarili ko kasi feeling ko tumatalino ako sa math eh. nabobobo naman sa chm12.

you cant have it all nga naman.

time: 1.44am.

inaaantok na ko, yung ka-ym ko di ko na malaman kung san nagsuot, magbbye na ko e. >_<

Friday, May 16, 2008

plus 20Php?

nakapanood ako ng news kanina. minsan lang kasi ako magkatime na manood ng news eh.

ang panget ng simula. yung patayan agad sa RCBC sa Cabuyao. napakaganid naman nung mga gumawa non. parang walang mga konsensya. nagnakaw na, pumatay pa. . at take note, 9 pa yung napatay nila. muntik pa maging sampu. buti nabuhay yung isa. critical nga lang sya. abah, ganito na ba talaga kagulo sa Pinas? hindi na kasi ako aware. alam mo na, 24/7 engineering student kaya subsob sa cellphone, este sa libro pala. oo, sa libro nakasubsob, tulog. pano, puyat gabi-gabi. kaaral ng equilibria, algebraic curves, bill of rights, eduction, syllogism at nagpipilit na sagutan ang tanong na "if a is b, therefore what is b?" logic yan mga pre, gets mo? ako hindi eh. haha. anyway. . sunod sa summary execution na balita sa laguna. .

yung 20Php daw na dagdag sa sahod ng mga empleyado sa metro manila. marami daw hindi natuwa. aba, at ang magagaling na tao, nadismaya pa daw. kumakain kasi ako nung binabalita to kaya hindi ko napanood, napakinggan ko lang. may isang ininterview. kulang daw yung 20Php na dagdag para sa pangkaraniwang mamamayan. kulang daw para sa kanila. so i therefore conclude na pangkaraniwang mamamayan sila. at ang sabi netong ale: "KULANG YUNG BENTE, HINDI PA NGA SAPAT PAMBILI NG ISANG KILONG BIGAS YON". hindi ako namamalengke, pero sa pagkakaalam ko, merong NFA rice. yung tig-18Php lang. aba, anong bigas kaya yung gustong bilen netong ale na to? yung thai rice?! haha. susyalen. tapos kulang paden daw na pamasahe yon ng asawa nya.

pambihira. kung ako siguro naghihirap, matutuwa na ko sa 20Php na dagdag no. malaking bagay naren yon pag inipon. diba? mahalaga bawat sentimo tapos inaayawan pa nila. ang arte naman. naisep ko nga kanina, kung ako siguro si GMA, tapos ganon yung maririneg kong reaction, babawiin ko nalang yung benteng dagdag. haha. nakakaines kasi. hihingi ng dagdag sa sweldo, binigyan naman, hindi nga lang yung gusto nila tapos magrereklamo pa? abaaa. . wag ganon. . dahan-dahan lang naman. sige kayo, pag binawi yan. sayang bente.

yun lang naman. nagulat lang ako na inaayawan pa nila yan. sa hirap ng buhay? malaki naren yan! :)





a trip down memory lane. .

ay, Statefields School, Inc. pala.

kanina, sabay kame umuwe ni Carlo, inaya ko naren syang pumunta ng SSI dahil maaga pa naman. nilabas naren daw kase yung yearbook namen. whew. after 4 terms ng college life. nalabas naren ang huling alaala ng 'PETIX DAYS' haha.

pagbaba palang namen ng van, natahimik na kame ni Carlo. pumasok sa loob at nagkatinginan, tapos bigla kameng tumawa. ng sobrang lakas. haha. pano, nakasalubong namen si 'barbaro'. lower batch sya samen at item sila nung isa naming kabatch. dun na kame nagsimulang maging nostalgic at nagreminisce sa aming nakaraan. . ehem. ibig kong sabihin, sa pagiging highschool namen.

tinahak namen ang ever so familiar na parking lot papasok sa school. natatandaan ko pa nung nakauniform pa ako naglalakad don, derecho sa cr at magsusuklay. iba paren talaga ang buhay highschool. nagtanong kame sa isang personnel don kung san namen kukunin yung inaasam-asam na yearbook. loko naman yung pinagtanungan namen, sinabi nya kung kanino kukunen, eh ang tanong namen, SAAN. amp. nanghula pa kame ng window. bute nalang may pagkaclairvoyant ang lola mo. haha. dun sa information window kame kumatok. nakakatuwa kase andon den yung 1st year adviser ko/math teacher. isa sa mga favorite ko yun eh. kahit medyo echusera sya sa personal life ko non, ayos lang. at ang una nyang tanong saken. . ?

"baket magkasama kayo ni Carlo?"

haha. natawa ko dun eh. tsismaks mode na naman tong teacher ko. .

ayan, nakuha na namen ang yearbook. mukang malnourished naman, ang payat. tapos ang yellow nya. shocking yung kulay. haha. syempre una kong hinanap yung mukha ko diba? may caption pa sa ilalim ng name ko. "EXEMPLARY ATTENDANCE AWARDEE". ang corny ng naging award no? at least meron. haha.

naglakad na kame ni Carlo papasok sa loob. napadpad kame sa court at tumambad samen ang tapos nang new building. . wala na yung mph2, naging 5 floors na sya at syempre, nagtour kame. haha. classrooms tsaka laboratories yung andon. hanep, ang sosyal!!. pero syempre, mas sosyal ang Mac Lab sa Mapua na hindi man lang namen mahahawakan. haha. inikot den namen yung mga lumang building. abah, flat screen na ang computers sa HS computer lab. susyaalen na talaga. onting lakas pa, at narating naren namen ang classroom namen nung 4th year. .

sumilip kame sa bintana at pareho nalang natahimik. nageemote kunware. haha. naalala lang namen yung porbee days. yung kalokohan ng area namen. yung mga katabi namen, kasama sa kalokohan, suring, problema. susko. ang baduy ha. pero wala eh, nakakamiss talaga.

masaya naman sa college. dito ka lang naman makakapag-inom sa tanghale at papasok sa hapon ng laseng. pwede ka ring magcut pag di mo trip pumasok. haha. pero iba paren yung highschool.

ang sarap maging bata ulet. sana pwede pa no?

Tuesday, May 13, 2008

quotabLe quotes

sa hindi mawaring kadahilanan, may kung anong virus ang dumadapo saken at sa mga tropa ko ngayon, matindi pa sa tigdas ni kenneth. . at ang tawag dito ay. . .

"baduy virus"

ewan ko ba, pero saksakan kame ng baduy ngayon, mga simpleng banat sa simpleng kwentuhan, pero baduy talaga. may ganitong thread din sa MO. pero naisipan kong iblog to. . pangpersonal na kabaduyan lang.


-------------------------------------------
sa jeep pa-vito cruz:

ineng: ang sakit ng mata ko.

ako: oooh. mata nga ba o puso?

ineng: mata talaga. . na sana hindi ko nalang nakita

*sabay tawa*

-tulad neto, walang pinanggalingan yan, bigla nalang lumabas sa mga bibig namen. wala naman talagang nakitang kung ano si ineng. haha

-------------------------------------------
same jeep, same conversation:

ineng: beh, pag malapit ka na madeads. . magcconfess ka pa ba sa taong mahal mo? kunware hindi pa nya alam?

ako: oo, a daybago ako madeads.

ineng: aah. baket a day before?

ako: syempre, para kung sakaLi, isang araw nalang din ako masasaktan.

ineng: haha. mautak ito!

-------------------------------------------

sa starbucks, moa:

SCENARIO: yung friend kong lalake, nagkkwento tungkol sa ex gf nya.

ako: wala na bang chance maging kayo ulet? i mean, ayaw mo na ba?

friend: *bugtong hininga* hindi ko naman kailangan ng sobrang pagmamahal, kahit konti lang masaya nako. kailangan ko lang naman ng respeto. masama ba yon?

ako: siyeeet, pang pelikula yang banat mo ah.!

-------------------------------------------

sa jeep, bandang pasay:

ako: beeeh!, tamu yung aso, kamukha ni Fulgoso. . ang galing!

ineng: waaah, fuLgoso. . andito ako. . si marimar!! ang marimar na walang sergio.

-------------------------------------------

text conversation:

ex-chuva: gusto lang naman kita makitang masaya, yun lang ayos na ko. kahit pa pag nakita kitang masaya, nasa kamay ka na ng iba.

ako: *wth, ang baduy nya. haha*

-------------------------------------------

text ulet:

maanne: beh, ang sakit ng tyan ko.

ako: sus, sobrang in love ka lang kaya ka nagkakaganyan.

maanne: eh di ikaw beh, lagi siguro masakit tyan mo no? haha

ako: di ren, lamu kasi beh, true love conquers all. haha

-------------------------------------------

seaside, sa moa ulet:

ako: may hindi pala ko nasabi sayo nung nasa manila memorial tayo.

bebeh: ano yun?

ako: *hinga malalim* gawin mo na lahat ng dapat mo gawin, basta alam mo namang andito lang ako. *sabay tingen sa dagat*

bebeh: kung mali man na mahalin kita, handa nakong paulet-ulet na magkamali.

-------------------------------------------

SCENARIO: kwentuhan tungkol sa mga exes.

friend: ikaw dhan, ano ba nakita mo dyan kay jhay?

ako: baket, mata ba ginagamet pag nagmamahal.?

-------------------------------------------

hum17, wala pang prof:

jehLee: selos mode lang pala yang si maanne eh.

ako: ayos lang yan maanne, lam mo, sa milyong babae na nakikilala nya ngayon, ikaw paren naman ang huli nyang sasabihan ng goodnight. chill ka lang!.

-------------------------------------------
sinabi ko sa isang ex-chuva:

"mahilig lang akong maglambing, pero hindi ako sinungaling"

-------------------------------------------

text conversation:

ako: bry, sayang hindi mo nakita, kasama ko kanina yung insan ni maanne, cras mo yon diba?

bry: ayos lang, nakita naman kita kanina.

-------------------------------------------

kwentuhan sa fire exit: SINONG PWEDE NG MAGSYOTA?

ako: ikaw bry, pwede ka na mag-gf?

bry: hindi pa eh, pero para sayo susuwayin ko mga magulang ko.

ako: yan ang banat!!

-------------------------------------------

haha. the best talaga ang kwentuhan pag may kahalong kabaduyan.! ang babaduy nyan, pero kinilig ako sa iba. kababawan talaga oh. iisipin ko pa yung iba yan lang kasi naalala ko. ay meron pang isa.

ako: ang baduy mo toL!

friend: yan ang sukatan kung nagmamahal ka, pag baduy ka.

Sunday, May 11, 2008

the perfect coupLe

The Perfect Couple

Once upon a time, a perfect man and a perfect woman met. After a perfect courtship, they had a perfect wedding. Their life together was, of course, perfect.

One snowy, stormy Christmas Eve, this perfect couple was driving their perfect car along a winding road, when they noticed someone at the side of the road in distress. Being the perfect couple, they stopped to help.

There stood Santa Claus with a huge bundle of toys. Not wanting to disappoint any children on the eve of Christmas, the perfect couple loaded Santa and his toys into their vehicle. Soon they were driving along delivering the toys.

Unfortunately, the driving conditions deteriorated and the perfect couple and Santa Claus had an accident. Only one of them survived the accident.

Who was the survivor? (Scroll down for the answer)

















The perfect woman survived.
She's the only one who really existed in the first place. Everyone knows there is no Santa Claus and there is no such thing as a perfect man.


**** Women stop reading here, that is the end of the joke. Men keep scrolling. *******










So, if there is no perfect man and no Santa Claus, the woman must have been driving. This explains why there was a car accident.

By the way, if you're a woman and you're reading this, this illustrates another point: women never listen either.

grabbed from: http://anetshop.multiply.com

diagnostic exams

kanina, diagnostic exams na naman para sa batch 07 ng mapua. dalawang exams yung tinake ko, pang chm11 tsaka pang math14.

(kung hindi ka mapuan, ang diagnostic exam ay parang exit exam sa mga courses. applicable batch 07. ex: ang chm11 diagnostic ay para sa mga studyanteng pumasa ng chm11,OT man o wala. counted din sya as quiz. so kailangan den maka70% dito)

ayon nga. hindi na naman makatao ang aga ng chm11 exam ko. 8am ba naman. susko. merong 24 hours sa isang araw, kung baket kasi pinagsisiksikan sa umaga. eh 2 hours lang naman yung exam. nakakatamad kaya gumising sa umaga.

hindi ako nagreview para sa diagnostics. inasa ko nalang lahat sa stock knowledge. na hindi ko malaman kung meron ba ko o wala. at napatunayan ko nga habang nageexam ako. . nalimot ko na karamihan sa mga tinuro nung chm11. ganon kase ako, pag natapos na yung finals sa course na yon at alam ko namang papasa ako. finuflush ko na sa inodoro lahat ng natutunan ko don, make space for new knowledge kumabaga. haha. at dahil don, hinalughog ko pa ang memorya ko kung saan ko na naitapon ang chm11 lectures. holy siyeet, ayaw pahanap!! hmp. tumunganga nalang tuloy ako at tumingin sa labas. malapit kasi ako sa bintana kaya pinanuod ko nalang yung langit sabay dasal na sana maalala ko na ang chm11 para masagutan ko na yung mga blangko ko. at. .

ding!!!

naalala ko na!. so binalikan ko na yung mga questions at nagsagot. whew. chm11, exited!. haha

may one hour pa ako bago magstart yung diagnostic sa math14. inaya ko nalang si jehLee na bumaba sa cantunan para bumili ng v-fresh. hindi ako nagyoyosi, pero lately nahihilig ako sa v-fresh. at dahil sa marunong nakong magpaputok ng chewing gum. ang ingay ko. haha.

so yon, math14 naman yung eexam ko. siyet. wala akong calcu. bahala na. sagot-sagot. madali lang yung sa math10 na part. chicken eh. . pagdating dun sa questions about math12, amp. . wala na ko masagot, wala kasing calcu. haha. kaya hiram mode sa katabi ko. mabilisang compute. done! isang oras lang den.

sa totoo lang. nonsense para saken yang diagnostic exams. pumasa na nga sa course eh. babalikan pa para dito. umph. mga dahilan ko no? haha. yan ay dahil ayoko lang talagang gumising ng maaga. lalo na pag weekends. sama sa loob eh.

dibale, next week. . . nstp na ulet. hapon na ulet pasok ko. at sana, ma-late ulet si mr.pineda para patugtugin ulet sya ni mam novida ng violin. para may pagtitripan na naman sa room. haha

lipat-blog

inimpake ko na lahat ng writing abilities ko (kung meron man.) mula sa multiply papunta dito sa kakaibang site na to. hindi na kase ako makapagpost ng kakornihan, kabaduyan at kung anu-ano pang mga kwento ng buhay ko don. may makakabasa kase, at baka kung saan pa makarating ang latest chismaks tungkol saken. kaya dito nalang.

hanep. first blog ko dito sa new and improved (sana) na blog ko. ano kaya makwento? hmm.

NAWAWALA yung singsing ko. oo, ang singsing ko na magbibirthday sana this year at magiging 3 years old na ay nawawala. ang dame na namin pinagsamahan ng singsing na yon, hindi ko na nga tinatanggal yon e. except syempre pag maliligo. marami na kameng napuntahang magical places ng singsing na yon. sa sobrang dame, wala ako maalala. shet.

hindi ko ren mawari kung paano sya nawala. pero pag-uwi ko ng bahay nung wednesday ng hapon at pagtingen ko sa kamay ko. . poof! they became koko crunch!. . ay. . este, wala na pala sya sa kamay ko. napa 'holy shet' pako sa harap ni mamadear. nahulog ata sya. maluwag na kase saken yon.

nalungkot ako, pero sandali lang. wala na ko magagawa eh. nawala na yung singsing ko. tsk.

yan, may nakwento na ko. para kahet papano, may kwenta naman tong bagong blog ko. saka ko na aayusin to. nakakatamad na kase eh.

may isa pa pala kong kwento. diagnostic exam ko sa chm12 tsaka math14 sa sunday. counted as quiz yon. nakakatamad pero no choice ako. haha.

dadamihan ko pa sana yung kwento ko, kaso bigla akong inantok. kaya uunahin ko na muna yung pagtulog ko bago ko tuluyang ikwento ang mga kabwisitan ko dahil sa diagnostic exam. tsk. osha, matutulog na talaga. :)

Friday, May 9, 2008

 
ask me no QUESTIONS and i'll tell you no LIES.
- Wordpress Themes is proudly powered by WordPress and themed by Mukkamu Templates Novo Blogger