last two minutes

balikan naten ang blog nato. dahil dito malaki ang chance na konti lang ang makakabasa. syempre dahil ang purpose naman ng blog ko ngayon ay hindi para mabasa ng sambayanang pilipino kung ano ang mga nasa isep ko. ang purpose ko lang talaga is masulat ko sya. minsan maraming bagay ang hindi maexplain sa words. at kung magaling ka at maiexplain mo man. sigurado ka ba na maiintindihan?.

kung sabagay, matagal narin nung huli akong nakipagusap sa monitor ng computer ko habang nagtatype ng blog. parang ilang buwan narin pala. buti pa ang blog o friendster account o multiply site. kahit ilang buwan mo mang iwanan. sure ka na hanggat alam mo ang password. pwede mong balikan. sa buhay? aba, bitawan mo lang sandali. lahat ng hinahawakan mo, paglingon mo, nadampot na pala ng iba. sabagay, kasalanan mo ren naman yon. binitawan mo eh. hindi naman bato yan. na kung paano mo iniwan ganon mo ren babalikan. swertihan lang yan. ngayon kung hindi mo kaya, magalaga ka ng pusa o aso. or kung hindi ka naman mahilig sa pets tulad ko. bumili ka ng stuff toy.

sayang. alam ko na ngayon kung ano talaga yung gusto ko. minsan lang mangyari yon. yung magkasundo ang puso at isep ko, at isama mo pa lahat ng body organs ko. lahat sila isa lang ang sinasabi. na sa milyong milyong taong nakapaliged saken. sa huli, sayo parin ako babalik.

marami-rami din akong pinalagpas na pagkakataon para malaman mo. akala ko kasi parang UNLITXT yan eh. akala ko na meron akong unlimited chances. na pag sinend ko sa 2870, activated agad.

nalaman ko na sa totoong buhay, hindi applicable ang unlimited na inooffer ng smart, globe at sun. minsan hanggang isa lang. kumbaga sa inuman. huling tagay na, gustong gusto mo yon. kaso nahihiya ka sa mga kainuman mo. pinalampas mo. one last shot. at yun na pala ang huling inuman session mo dahil nalaman mo na may saket ka sa atay. sayang diba. inasahan mong marami ka pang inuman na mapupuntahan. na maraming shot pa ang tatagayin mo. malas mo nalang. huli na pala.

saka mo nalang din maiisep, sayang ang mga pagkakataong pinalagpas mo. yun lang, kadalasan. maiisep mo yan pag huli na ang lahat. marerealize mo den. may pagka-shunga ka talaga. idedeny mo ng konti. pero alam mong kasalanan mo. sa totoo lang, hindi mo naman talaga kasalanan. biktima ka lang ng mapaglarong bata na itago natin sa pangalang "tadhana". hindi lang ikaw ang napaglalaruan. marami kayo. iba-ibang sitwasyon, iba-ibang tao. sinusubukan ka lang yung matatag ka para sa laro. kung pwede kang pangvarsity. tinitignan lang kung kaya mong makagawa ng strategy kahit sa last two minutes.

magpapatalo ka ba? handa ka bang harapin ang ibang tao na mangaasar sayo na weakling ka? o ilalaban mo? kahit na mafoul out ka? hanggang san ang kaya mong ibigay para sa laro ng buhay? eh pano kung ang batang si tadhana, nakahanap ng kakampi? pano kung ang kerubing nakadiaper na si Cupid ang kakampi nya? kakasa ka ba? hahamunin mo ba ang pinagsanib pwersang lakas nila? oo? eh di sige. ikaw na matapang.

hindi naman sa lahat ng oras laban lang ng laban. isipin mo. kung alam mo namang mas malakas ang kalaban mo at dudurugin ka lang nila at papakainen ng alikabok. papagurin mo pa ba sarili mo? tao ka lang dude. hindi ka imortal o pusa na may siyam na buhay. siguro hanggang dun nalang ang exposure mo para sa laro. times up ka na. lamang sila. ang ending, talo ka na nga, napagod ka pa. at malamang sa hindi. sa kagustuhan mo na manalo nasugatan ka. ayan, peklat pa tuloy yan. remembrance na minsan sa buhay mo, meron kang pinaglaban ng todo na hindi mo ren nakuha.

ang peklat, habang buhay na yan. na sa twing makikita mo, maalala mo bawat segundo ng pinakamalaking naging laban sa buhay mo. hanggang alaala na nga lang. lahat ng yon, sa utak at puso mo lang naka-save. walang usb. walang diskette o cd. hindi na kasi uso yon.

bawat araw ay laban. matuto kang magstrategize. pagisipan mo ang bawat galaw mo. at kung matalo ka man, tanggapin mo. wag kang mapride. hindi naman lahat ng gusto mo makukuha mo. minsan kung ano pa ang pinakaimportante sayo, yun den ang babawiin.

simple lang yan. ikaw lang ang nagpapagulo.

Sunday, November 30, 2008

0 Comments:

 
ask me no QUESTIONS and i'll tell you no LIES.
- Wordpress Themes is proudly powered by WordPress and themed by Mukkamu Templates Novo Blogger